Jovellyn's
Lunes, Oktubre 26, 2015
Sa mga Lugar kung Saan Kami ay Masaya
Malamig ang simoy ng hangin, maaliwalas, tahimik, masaya, payapa at tila ba magaan sa pakiramdam kapag nasa may dagat ka. Kuha itong litrato na ito nung kami ay nag-bakasyon at outing ng pamilya. Kapag nandito ka akala mo wala kang problema at gusto mo nalang magtatakbo at maglaro sa malalambot na buhangin na iyong naaapakan.
Ngunit dadating ka sa punto na sa sobrang katahimikan ay dito mo maaalala lahat at pait na iyong naranasan. Ngunit hindi ka nandito para magpakapariwara, nandito ka para ilabas lahat ng kinikimkim mong lungkot at nandito ka para iwan dito ang masasakit na dinanas mo. Tutulungan ko nito ng hindi mo malalaman.
Ang tatlong maria ng aming ina. 3J's kung baga. Kapatid ko ang nasa dalawang gilid ko. Ang saya ng mga oras na yan dahil kami ang nag island hopping kasama ang iba pa naming mga pinsan. Totoong nakaramdam ako ng saya habang nakikita ko ang mga lamang dagat na aming nakikita katulad ng mga sea urchins, corals, iba't ibang uri ng isda at madami pang iba.
Nakaramdam din ako ng takot nung lumangoy kami sa may bandang gitna dahil baka may makasalubong kaming pating, kasabay nito ay ang pagkasabik na aking nadarama at tuwa nang makita ko ang mga magagandang halaman sa ilalim.
Ang litrato naman na ito ay kuha sa Betania Retreat House. Isa ito sa mga pinakamagandang napuntahan at nangyari sa buhay ko. Dito ako nagkaroon ng mga pagninilay sa bawat session, ang makapag-isa at makapag-isip isip, alalahanin ang mga nangyari at mga nangyayari, nakapagpatawad at pinatawad, nakapagpasalamat at higit sa lahat... mas lalo akong naging malapit kay God. Mas sumigla akong magturo sa mga batang tinuturuan namin sa simbahan tuwing Sundays.
Isa ito sa pinakamagandang karanasan ko. At masasabi kong hindi ko makakalimutan ang Retreat namin kasama ang aking mga kaklase na 10-Honesty.
Ang Aking Talambuhay
Ako si Jovellyn S. Calipay, isang babaeng simple lang naman ang pangarap --- ang magkaroon ng maganda buhay para sa aking pamilya. Pero bago iyon, magpapakilala muna ko. Ako ay labinganim na taong gulang at nagaaral sa isang pribadong paaral na St. Mary's College of Meycauayan.
Marunong akong makisama sa mga tao, sensitibo ako sa nararamdaman ng iba, palakaibigan ako at kapag nagkaibigan ako ay talagang pinapahalagahan ko ang mga ito. Mahilig akong magsurpresa sa mga kaibigan ko. Marami akong grupo ng mga kaibigan at masasabi kong ang iba sakanila ay totoo talaga. Masaya ako kapag kasama ko sila, sa tawanan, iyakan, harutan at sayahan. Tinototoo ko ang mga sinasabi ko.
Nanjan din sila para sakin kapag kailangan ko ng mga masasandalan kapag may problema ako--- at nandito din naman ako para sakanila. Lalo na nung... namatay ang aking ama noong nakaraang taon lamang. Ramdam na ramdam ko ang kanilang pakikiramay sa akin at sa pamilya ko. Kahit minsan may konting tampuhan, hindi kami susuko at magpapadala lang sa mga awayan na nagaganap sa amin.
May iba rin akong mga kaibigan bukod sa kanila na kasama ko sa ibang kasiyahan, kaharutan at mga pag-ibig. Hahahaha. Kahit naman na may hinahangaan akong lalaki, hindi ibig sabihin niyan ay papabayaan ko na ang aking pag-aaral.
Ang bahay na iginuhit ko noong bakasyon at ako'y nag-eensayo. Balang araw, gusto kong maging arkitekto. Hindi ko alam kung ano ang aking pinakadahilan pero ang alam ko lang ngayon ay gusto ko balang araw masabi ko na may dinisenyo akong maipagmamalaki ko. Nagsisikap ako upang maabot ang aking hangaring maging arkitekto balang araw.
Sila ang aking mga ate. Masaya ako kapag kami ay magkakasama dahil para lamang kaming magkakaibigan na magkakapatid dahil hindi kami yung ibang magkakapatid na may galit sa isa't isa, may selosan, at iba pa. Lagi naming sinusuportahan ang isa't isa lalo na sa mga problema na aming pinagdadaanan.
Mahal na mahal ko ang mga taong yan lalo na ang aking ina. Ang aking ina na napakatapang at napakalakas sa lahat, dahil kinakaya niyang maging malakas para sa aming mga anak, apo at iba pang kanyang pinag-aaral. Pinapakita niya na masaya siya kahit sa totoo ay nalulungkot siya. Wala na diyan ang aking Ama dahil namatay siya isang araw bago ang kaarawan ng aking ina kaya napakasakit... Ngunit sana masaya na siya sa kanyang napuntahan ngayon at alam naming nanjan lang siya sa tabi namin.
Patuloy lang tumatakbo ang istorya ng aking buhay at hindi ito magtatapos. Hanggang dito na lamang...
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)








