Lunes, Oktubre 26, 2015

Ang Aking Talambuhay

             
                Ako si Jovellyn S. Calipay, isang babaeng simple lang naman ang pangarap --- ang magkaroon ng maganda buhay para sa aking pamilya. Pero bago iyon, magpapakilala muna ko. Ako ay labinganim na taong gulang at nagaaral sa isang pribadong paaral na St. Mary's College of Meycauayan.


     Isa lamang akong normal na tao, nakakaramdam, nakaranas nang lumambot ang isang puso sa isang tao, makulit kapag nasa mood, pero kapag ako'y naiinis ay makikita talaga sa ekspresyon ng aking mukha. May mga pagkakataong kahit sobrang saya ko, kapag may isang bagay lang akong nakita o narinig na hindi ko nagustuhan talaga ay naaapektuhan nito ang mood ko. Madali akong mainis, ngunit ngitian lang ako ay ayos na ako.




       Marunong akong makisama sa mga tao, sensitibo ako sa nararamdaman ng iba, palakaibigan ako at kapag nagkaibigan ako ay talagang pinapahalagahan ko ang mga ito. Mahilig akong magsurpresa sa mga kaibigan ko. Marami akong grupo ng mga kaibigan at masasabi kong ang iba sakanila ay totoo talaga. Masaya ako kapag kasama ko sila, sa tawanan, iyakan, harutan at sayahan. Tinototoo ko ang mga sinasabi ko.


           Nanjan din sila para sakin kapag kailangan ko ng mga masasandalan kapag may problema ako--- at nandito din naman ako para sakanila. Lalo na nung... namatay ang aking ama noong nakaraang taon lamang. Ramdam na ramdam ko ang kanilang pakikiramay sa akin at sa pamilya ko. Kahit minsan may konting tampuhan, hindi kami susuko at magpapadala lang sa mga awayan na nagaganap sa amin.

May iba rin akong mga kaibigan bukod sa kanila na kasama ko sa ibang kasiyahan, kaharutan at mga pag-ibig. Hahahaha. Kahit naman na may hinahangaan akong lalaki, hindi ibig sabihin niyan ay papabayaan ko na ang aking pag-aaral.



                Ang bahay na iginuhit ko noong bakasyon at ako'y nag-eensayo. Balang araw, gusto kong maging arkitekto. Hindi ko alam kung ano ang aking pinakadahilan pero ang alam ko lang ngayon ay gusto ko balang araw masabi ko na may dinisenyo akong maipagmamalaki ko. Nagsisikap ako upang maabot ang aking hangaring maging arkitekto balang araw.




 Sila ang aking mga ate. Masaya ako kapag kami ay magkakasama dahil para lamang kaming magkakaibigan na magkakapatid dahil hindi kami yung ibang magkakapatid na may galit sa isa't isa, may selosan, at iba pa. Lagi naming sinusuportahan ang isa't isa lalo na sa mga problema na aming pinagdadaanan.




Kasama ko sa litratong ito ang aking mama, dalawang kapatid na babae ang mga 4 na pamangkin ko sa aking kuya. Apat kaming magkakapatid at ang panganay ay ang aking Kuya na nagtatrabaho sa ibang bansa. Nagpapasalamat ako kay Lord dahil binigyan niya ko ng pamilya na masayahin at hindi sumusuko kahit malala pa ang nangyari at patuloy na naniniwala sa Panginoon.

Mahal na mahal ko ang mga taong yan lalo na ang aking ina. Ang aking ina na napakatapang at napakalakas sa lahat, dahil kinakaya niyang maging malakas para sa aming mga anak, apo at iba pang kanyang pinag-aaral. Pinapakita niya na masaya siya kahit sa totoo ay nalulungkot siya. Wala na diyan ang aking Ama dahil namatay siya isang araw bago ang kaarawan ng aking ina kaya napakasakit... Ngunit sana masaya na siya sa kanyang napuntahan ngayon at alam naming nanjan lang siya sa tabi namin.

Patuloy lang tumatakbo ang istorya ng aking buhay at hindi ito magtatapos. Hanggang dito na lamang...



























1 komento: